Mga Pahina

Lunes, Pebrero 26, 2024

TULA - "SANA" BY I BELONG TO THE ZOO



Sana sinabi mo,
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli.
Sana sinabi mo
Hahayaan naman kitang sumaya't umalis.
Sana sinabi mo
Para 'di na umasang may tayo pa sa huli.

Sana sinabi mo
Hahayaan naman kita.
Sana sinabi mo
Para ang mga ayaw mo'y aking iibahin.
'Di ba, sinabi mo
Basta't tayong dalawa'y sasaya ang mundong mapait.
'Di ba, sinabi ko
Gagawin ko'ng lahat upang tayo pa rin sa huli.
Biglang nalaman ko,
May hinihintay ka lang palang bumalik.

BABASAHIN


Pamagat: Noli me Tangere

Genre: Nobela

Paksa: Naglalaman ito tungkol sa pagmamalupit ng espanyol at ng mga prayle sa  mga filipino noong panahon ng espanyol.

May Akda: Dr. Jose Rizal

Mensahe/Aral: Ang aral na natutunan ko sa Akda na ito ay kapag nagmamahal tayo ng tao ay hindi dapat tayo maipaghihiwalay Ninuman, Sinuman, at Anomang dahilan ay pipiliin parin natin ang taong mahal natin. Isa ko pang natutunan dito ay maging matulongin tayo kahit na wala na tayong maibigay, Natutunan kong maging matatag sa anumang bagay.





Linggo, Pebrero 25, 2024

SPOKEN POETRY ABOUT "BAYAN KO" BY RONNIE PILAR

 

BAYAN KO

 

Pagmamahal sa bayan, ito ay aking tahanan,

Bayang sinilanganan, bayang hindi kayang bitiwan.

Tahanang aking nakasanayan.

Tungkuling Kailaman hindi iiwanan.

 

Ngunit totoo bang nagmamahal tayo sa bayan?

Totoo bang ang kabataan ay ang pag-asa ng inang bayan?

Sa tingin ko hindi dahil ‘iba na talaga ang kabataan ngayon’

Salitang madalas nating naririnig sa mga matatanda.

 

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi na alam ang salitang respeto.

Ugaling kanto at salitang kalye ang nangingibabaw dito.

Puro pakikialam sa ibang tao ang pinupunto.

Walang magawa sa sarili kaya ng iinsulto.

 

Hanggang dito nalang batayo?

Hindi naba  tayo magbabago?

Maghihilaan nalang batayo pababa nito?

Kaya walang uunlad sa bansang ito

 

Kung ang mga Filipino ay hindi kayang tumanggap ng pagkatalo,

Hindi kayang makipag kapwa tao.

At kung lahat tayo ay asar talo.

Puwes wala nakong aasahan dito.

Kundi ang paglubog ng Bayan ko.

 

BANYUHAY

 

Banyuhay Akda

ni: Pilar

 

          “Never regret. If it’s good, it’s wonderful. If it’s bad, it’s experience”. Sa isang taon na aking pinagdaanan, kasabay nito ang pagtanda na hindi mapigilan. Sa paglipas ng panahon habang tayo ay tumatanda may mga bagay at desisyon tayong hindi nagagawa ng tama. bagkus mas pinipili natin ang kasiyahan kesa gawin ang mahahalagang bagay. Mas inuuna ko ang mga walang kabuluhang bagay na nakakasira ng aking oras, saya, at kapayapaan. Kaya ngayong taon Mayroon akong init-halang bagong gawin na sa tuwing ako’y may importanteng bagay na dapat gawin, agad ko itong tatapusin.

 

          Taong  2023 ay isa sa pinaka masayang taon na nagdaan sabuhay ko, Isa ito sa hindi ko makakalimutan na pangyayari. ngunit hindi padin mawawala ang problemang sumasalungat sa mga kasiyahan natin. Dahil nahihirapan akong pagkasiyahin ang oras ko sa gawaing bahay at sa aking pag-aaral. Naging problema ito sakin dahil kahit na wala na akong oras na gumala at maglaro, ay mas inuna kopadin maging masaya, masyadong naging kompante at nag relaks. Kaya sa huli ay Natambakan ako ng gawain sa eskwela at sobrang nahirapan na maihabol na maipasa. Isa pa na mali kong nagawa ay hindi ako marunong humindi sa mga malalapit sa akin na sa tuwing sila ay may kailangan at may hinihining pabor ay diko kayang tanggihan, at umaabot sa punto na umaabuso na.

 

          Kaya naman sa panibagong taon ngayon ay mas mag Lalaan ako ng oras sa makabuluhang bagay at alam ko na may mabuting epekto sa akin. Iiwanan ko ang mga mapang abuso kong kaibigan at tatangihan ang hindi nakakatulong na bagay. Iiwasan kodin ang madalas na paglalaro ng cellphone at pag-gagala. Dahil napagtanto ko na  Nauubos lang ang aking oras at sa huli wala akong maatatapos. Kaya ako ay nangangako na mas papahalagahan ko ang mga importanteng bagay kesa sa ikakasaya ko lamang.

Sabado, Pebrero 24, 2024

TALAMBUHAY

 

PAGKAKAKILANLAN KAY RONNIE.

 

Si Ronnie P. Pilar ay labing pitong gulang at isinilang sa lungsod ng Cainta Rizal noong Setyembre 1, 2006. Ipinangak siya bilang ikalawa sa  bunso sa kaniyang anim na mga kapatid. Ang kaniyang Nanay ay si Rosemarie Perlas at Ang kaniyang Tatay ay si Rene Pilar. Ang pangalan ng kaniyang mga kapatid ay sina Raniel, Mikko, Mike, Ronel, at ang kanilang bunso na si Manuel. Siya ay nakapag tapos ng elementarya sa Kabisig Cainta Rizal Elementary School at Kasalukuyang nag-aaral sa Sta. Lucia High School sa Pasig City bilang Grade 11 Senior High Student at nasa kursong ICT pangkat 4.

 

Si Ronnie P. Pilar ay mahilig mag laro ng cellphone sa tuwing siya ay may libreng oras. Ito ang kaniyang nagiging  libangan sa tuwing na wala siyang ginagawa. Mahilig din siyang maglinis ng kanilang bahay sa tuwing napupuno ang kaniyang isipan ng problema, dahil sa pamamaraan na ito ay nakakapag relax siya. Mahilig din siyang kumain nang kumain ng kaniyang paboritong ulam na siomai, niluluto ito lagi ng kaniyang nanay. Mahilig din siya sa maluluwag na damit na kulay berde sa kadahilanang berde ang paborito niyang kulay at komportable itong suotin.

 

Sa kanilang silid si Ronnie ang pinakatahimik na bata. Ang kaniyang paboritong paksa ay agham. Sa tuwing wala silang ginagawa nanatili siyang nanahimik at hindi gumagawa ng kahit anong ingay sa loob ng paaralan. Kilala siya bilang isang marespetong tao dahil sa kabaitan at kasipagan nito. Si Ronnie ay Nangangarap na makapagtapos ng kolehiyo at maging isang computer programmer o kaya naman ay mechanical engineering dahil bata pasiya ay nahilig na siyang magkumpuni ng mga sirang bagay.

TULA - "SANA" BY I BELONG TO THE ZOO

Sana sinabi mo, Para 'di na umasang may tayo pa sa huli. Sana sinabi mo Hahayaan naman kitang sumaya't umalis. Sana sinabi mo Para &...