PAGKAKAKILANLAN
KAY RONNIE.
Si
Ronnie P. Pilar ay labing pitong gulang at isinilang sa lungsod ng Cainta Rizal
noong Setyembre 1, 2006. Ipinangak siya bilang ikalawa sa bunso sa kaniyang anim na mga kapatid. Ang
kaniyang Nanay ay si Rosemarie Perlas at Ang kaniyang Tatay ay si Rene Pilar.
Ang pangalan ng kaniyang mga kapatid ay sina Raniel, Mikko, Mike, Ronel, at ang
kanilang bunso na si Manuel. Siya ay nakapag tapos ng elementarya sa Kabisig
Cainta Rizal Elementary School at Kasalukuyang nag-aaral sa Sta. Lucia High
School sa Pasig City bilang Grade 11 Senior High Student at nasa kursong ICT
pangkat 4.
Si
Ronnie P. Pilar ay mahilig mag laro ng cellphone sa tuwing siya ay may libreng
oras. Ito ang kaniyang nagiging libangan
sa tuwing na wala siyang ginagawa. Mahilig din siyang maglinis ng kanilang
bahay sa tuwing napupuno ang kaniyang isipan ng problema, dahil sa pamamaraan
na ito ay nakakapag relax siya. Mahilig din siyang kumain nang kumain ng
kaniyang paboritong ulam na siomai, niluluto ito lagi ng kaniyang nanay.
Mahilig din siya sa maluluwag na damit na kulay berde sa kadahilanang berde ang
paborito niyang kulay at komportable itong suotin.
Sa
kanilang silid si Ronnie ang pinakatahimik na bata. Ang kaniyang paboritong
paksa ay agham. Sa tuwing wala silang ginagawa nanatili siyang nanahimik at
hindi gumagawa ng kahit anong ingay sa loob ng paaralan. Kilala siya bilang
isang marespetong tao dahil sa kabaitan at kasipagan nito. Si Ronnie ay
Nangangarap na makapagtapos ng kolehiyo at maging isang computer programmer o
kaya naman ay mechanical engineering dahil bata pasiya ay nahilig na siyang
magkumpuni ng mga sirang bagay.
wow inspiring
TumugonBurahin