Banyuhay
Akda
ni: Pilar
“Never regret. If it’s good, it’s
wonderful. If it’s bad, it’s experience”. Sa isang taon na aking pinagdaanan,
kasabay nito ang pagtanda na hindi mapigilan. Sa paglipas ng panahon habang
tayo ay tumatanda may mga bagay at desisyon tayong hindi nagagawa ng tama.
bagkus mas pinipili natin ang kasiyahan kesa gawin ang mahahalagang bagay. Mas
inuuna ko ang mga walang kabuluhang bagay na nakakasira ng aking oras, saya, at
kapayapaan. Kaya ngayong taon Mayroon akong init-halang bagong gawin na sa
tuwing ako’y may importanteng bagay na dapat gawin, agad ko itong tatapusin.
Taong
2023 ay isa sa pinaka masayang taon na nagdaan sabuhay ko, Isa ito sa
hindi ko makakalimutan na pangyayari. ngunit hindi padin mawawala ang problemang
sumasalungat sa mga kasiyahan natin. Dahil nahihirapan akong pagkasiyahin ang
oras ko sa gawaing bahay at sa aking pag-aaral. Naging problema ito sakin dahil
kahit na wala na akong oras na gumala at maglaro, ay mas inuna kopadin maging
masaya, masyadong naging kompante at nag relaks. Kaya sa huli ay Natambakan ako
ng gawain sa eskwela at sobrang nahirapan na maihabol na maipasa. Isa pa na mali
kong nagawa ay hindi ako marunong humindi sa mga malalapit sa akin na sa tuwing
sila ay may kailangan at may hinihining pabor ay diko kayang tanggihan, at
umaabot sa punto na umaabuso na.
Kaya naman sa panibagong taon ngayon
ay mas mag Lalaan ako ng oras sa makabuluhang bagay at alam ko na may mabuting
epekto sa akin. Iiwanan ko ang mga mapang abuso kong kaibigan at tatangihan ang
hindi nakakatulong na bagay. Iiwasan kodin ang madalas na paglalaro ng
cellphone at pag-gagala. Dahil napagtanto ko na Nauubos lang ang aking oras at sa huli wala
akong maatatapos. Kaya ako ay nangangako na mas papahalagahan ko ang mga importanteng
bagay kesa sa ikakasaya ko lamang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento